kahirapan tantanan mo ako!

Posted in Uncategorized on Hunyo 19, 2008 by dpuge

Sa simula’t simula pa lamang nakatatak na sa isipan ko ang mga pangyayari sa buhay naming magpamilya, ang kahirapan. Dala ko ito hanggang sa ako’y magbinata at magkaroon ng sariling pamilya. Lingid sa aking akala na paglaki ko at nakapag-aral ay giginhawa na ang buhay. Mali pala! Dahil hanggang sa aking huling hininga na yata ay sakbit-sakbit ko na ang buhay ng isang mahirap mapa-loob at labas ng bahay, pati na rin nga sa trabaho mo ay puro kahirapan na talaga. Ewan ko nga kung bakit ako sinusundan ng kahirapan. Siguro nga ito na ang nakatatak sa aking pagkatao.

Isang dekada na siguro ang napagdaanan ko pero wala paring pagbabago at ginhawang naranasan man lang.  Tulad na lang sa mga kumpanyang napasukan ko. Iba’t-ibang klaseng karanasan ang naranasan ko. May saya, lungkot at pagkabigo. Dala na rin siguro ng pabago-bagong takbo ng utak ng mga naging amo ko o kaya naman ay sa paligid nito. Ewan ko nga ba kung bakit sa tinagal-tagal ko sa kanila at kung bakit ako nagpupumilit at nagsusumiksik sa mga ito. Patunay ba ito na talagang nakatatak na sa sarili ko ang maging isang huwaran (huwaran nga ba?) na manggagawa. O maging alipin nila na matapos kang magsunog ng kilay sa pag-aaral ay ito lang ang mapapala mo. Sa kaunting sahod ay nagiging sapat na lang sa’yo kahit hindi mo masikmura dahil kapos pa rin ito sa pang-araw-araw na gastusin. Kahit nga nag-iisa ka lang ay hindi ito sapat sa mga pangangailangan. Patay na! lalo na siguro kung may pamilya ka pa. (Aru! d’yos ko nasaan ang himala patamain sana ako sa lotto!)

Salamat na lang sa Itaas dahil kung hindi sa kanya ay matagal na akong nawalan ng matinong kaisipan. Sa kanya ko na lang dinadalangin ang lahat ng mga problema sa buhay ko at sa kanya rin ako kumukuha ng lakas.

malaya ako!

Posted in Uncategorized on Abril 29, 2008 by dpuge

Sa aking panimula hayaan nyong makapagsalita ng ayon sa aking nararamdaman. Hayaan n’yong maging malaya sa mga pananaw sa buhay, buhay nila at buhay ng iba pa. Patawarin ako kung ako man ay nakakasakit dahil nais ko lang naman iparating ang aking damdamin. Ako pala ito isang simpleng tao tahimik, makulit, di ka itiman, di katangkaran at higit sa lahat di ka-gwapuhan. Binigyan ko ng lakas ang aking sarili na gawin at simulan ang gawaing ito para masabi ko sa aking sarili na kahit sa ganitong paraan na isa pala akong malaya at mapagkunwaring manunulat (kuno? asus kahit ako di ko maintidihan talaga ito ewan!) basta MALAYA AKO! TAPOS!